Lunes, Setyembre 15, 2014


Unang Pagbasa
Sepriembre 9,2014
1 Corinto 6:1-11

Kung minsan, ang isa sa inyo'y may reklamo laban sa kanyang kapatid. Magsasakdal ba siya sa mga hukom na pagano, sa halip na ipaubaya sa mga hinirang ng Diyos ang pag-aayos ng usapin nila? Hindi ba ninyo alam na ang mga hinirang ng Diyos ang hahatol sa sanlibutan? At kung kayo ang hahatol sa sanlibutan, hindi ba ninyo kayang hatulan ang ganyan kaliit na bagay? Di ba ninyo alam na tayo ang hahatol sa mga anghel? Gaano pa ang mga bagay na may kinalaman sa buhay na ito! Kung kayo'y may usapin, idudulog pa ba ninyo ito sa mga taong di kinikilala ng iglesya? Mahiya-hiya naman kayo! Wala na ba sa inyong marunong mag-ayos sa sigalutan ng magkakapatid? Ano't nagsasakdal pa kayo sa hukuman, kapatid laban sa kapatid, at sa harapan pa ng mga taong walang pananampalataya?

Ang pagkakaroon ninyo ng usapin laban sa isa't isa ay isa nang kabiguan sa inyong pagkakapatiran. Hindi ba mas mabuting tiisin na lamang ninyo ang pang-aapi, at palampasin ang pandaraya sa inyo? Subalit kayo pa ang nang-aapi at nandaraya — at sa inyong mga kapatid pa naman! Hindi ba ninyo alam na ang mga makasalanan ay walang bahagi sa kaharian ng Diyos? Huwag ninyong dayain ang inyong sarili! Ang mga nakikiapid, sumasamba sa diyus-diyusan, nangangalunya, nakikiapid sa kapwa lalaki o kapwa babae, ang mga magnanakaw, masasakim, mapaglasing, mapanlait, o magdaraya — ang ganyang mga tao'y walang bahagi sa kaharian ng Diyos. Ganyan ang ilan sa inyo noon. Subalit kayo'y nilinis na sa inyong mga kasalanan at itinalaga na kayo sa Diyos. Kayo'y pinawalang-sala na sa pangalan ng Panginoong Jesu-Cristo at ng Espiritu ng Diyos.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento