Lunes, Setyembre 15, 2014

Unang Pagbasa

Septiembre 11,2014
1 Corinto 8:1-7.11-13

Ipaliliwanag ko naman sa inyo ang tungkol sa mga pagkaing inihandog sa diyus-diyusan.

Alam nating “may kaalaman tayong lahat.” Ang gayong “kaalaman” ay nagbubunsod sa tao upang magpalalo, ngunit ang pag-ibig ay nakapagpapatibay. Ang nag-aakalang may nalalaman siya ay hindi pa nakakaalam ng dapat niyang malaman. Ngunit kilala ng Diyos ang umiibig sa kanya.

Tungkol nga sa pagkaing inihandog sa diyus-diyusan, alam nating “walang kabuluhan ang mga diyus-diyusan,” at “iisa lamang ang Diyos.” Bagamat may sinasabing mga diyos sa langit o sa lupa, at maraming tinatawag na “mga diyos” at “mga panginoon,” sa ganang atin ay iisa lamang ang Diyos, ang Ama na lumikha ng lahat ng bagay, at tayo'y nabubuhay para sa kanya. Iisa ang Panginoon, si Jesu-Cristo, at sa pamamagitan niya'y nilikha ang lahat ng bagay at sa pamamagitan din niya'y nabubuhay tayo.

Subalit hindi lahat ay nakaaalam nito. May ilang nahirati sa pagsamba sa diyus-diyusan, kaya't hanggang ngayon, kapag kumakain sila ng ganitong pagkain, ang akala nila'y handog pa rin sa diyus-diyusan ang kanilang kinakain. Palibhasa'y kulang ang kanilang kaalaman, nababagabag ang kanilang kalooban sa pag-aakalang sila'y nagkakasala.

Kaya't dahil sa inyong “kaalaman” ay napapahamak ang kapatid ninyong mahina pa at naging dahilan din ng kamatayan ni Cristo. Sa gayon, nagkakasala kayo kay Cristo sapagkat ibinunsod ninyo sa pagkakasala ang inyong kapatid at itinanim ninyo sa kanyang isipan ang maling paniniwala. Kaya't kung dahil sa pagkain ay magkakasala ang aking kapatid, hindi na ako kakain ng karne upang di siya magkasala.
Photo: Unang Pagbasa

Tagalog Scripture texts are taken from the Magandang Balita Biblia © 1980 Philippine Bible Society, used with permission.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento