Lunes, Setyembre 15, 2014

Unang Pagbasa

Septiembre 14,2014
Bilang 21:4-9

Mula sa Bundok ng Hor, nagpatuloy ang mga Israelita patungong Dagat ng mga Tambo upang lihisan ang Edom. Dahil dito, nainip sila sa pasikut-sikot na paglalakbay na yaon. Nagreklamo sila kay Moises, “Inialis mo ba kami sa Egipto para patayin sa ilang na ito? Wala kaming makain ni mainom! Sawa na kami sa walang kwentang pagkaing ito.” Dahil dito, sila'y pinadalhan ni Yahweh ng makamandag na ahas at sinumang matuka nito ay namamatay. Kaya, lumapit sila kay Moises. Sinabi nila, “Nagkasala kami kay Yahweh at sa iyo. Idalangin mo sa kanyang paalisin ang mga ahas na ito.” Dumalangin nga si Moises at ganito ang sagot sa kanya ni Yahweh, “Gumawa ka ng isang ahas na tanso. Ilagay mo iyon sa dulo ng isang tikin at sinumang natuklaw ng ahas na tumingin doon ay hindi mamamatay.” Gayon nga ang ginawa ni Moises. Mula noon, lahat ng matuklaw ng ahas ngunit tumingin sa ahas na tanso ay hindi namamatay.

©

Photo: Unang Pagbasa

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento