Septiembre 13,2014
1 Corinto 10:14-22
Kaya nga, mga minamahal, huwag kayong sasamba sa mga diyus-diyusan. Ganito ang sinasabi ko sa inyo, sapagkat kayo'y matatalino; kayo na ang humatol. Hindi ba't ang pag-inom natin sa saro ng pagpapala na ating ipinagpapasalamat ay pakikibahagi sa dugo ni Cristo? At ang pagkain natin ng tinapay na ating pinagpipira-piraso ay pakikibahagi naman sa kanyang katawan? Kaya nga, yamang isa lamang ang tinapay, tayo'y iisang katawan bagamat marami, sapagkat nakikibahagi tayo sa iisang tinapay.
Tingnan ninyo ang bansang Israel: hindi ba't ang mga kumakain ng mga handog ay nakikiisa sa ginagawa sa dambana? Ano ang ibig kong sabihin? Sinasabi ko bang may kabuluhan ang diyus-diyusan o ang pagkaing inihandog sa mga diyus-diyusan? Hindi! Ang ibig kong sabihin, ang mga pagano'y naghahandog ng kanilang hain sa mga demonyo, hindi sa Diyos, at ayaw kong maging kaisa kayo ng mga demonyo. Hindi kayo makaiinom sa saro ng Panginoon at sa saro ng mga demonyo. Hindi kayo maaaring makisalo sa dulang ng Panginoon at sa dulang ng mga demonyo. Ibig ba nating manibugho ang Panginoon? Sa palagay ba ninyo'y mas makapangyarihan tayo kaysa kanya?

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento