Septiembre 15,2014
Awit 31:2-3.3-4.5-6.15-16.20
Sagipin mo ako, ako ay pakinggan!
Tanging kublihan ko, ako ay ingatan;
Tagapagtanggol ko't aking kaligtasan.
Tagapagtanggol ko at aking kanlungan,
Ayon sa sabi mo, ako'y patnubayan.
Tagapagtanggol ko at aking kanlungan,
Ayon sa sabi mo, ako'y patnubayan.
O aking patnubay, ako ay iligtas,
Sa patibong nila at umang na bitag;
Kupkupin mo ako at iyong ingatan,
Ang pagliligtas mo sa aki'y pakamtan;
Ikaw ang aking Diyos, na tapat at tunay.
Ikaw'y namumuhi sa nananambahan
Sa walang halagang mga diyus-diyusan;
Ngunit ako, Yahweh, sa iyo'y nananawagan.
Sa iyong kalinga, umaasa ako,
Laban sa kaaway ay ipagtatanggol mo;
At sa umuusig na sinumang tao.
Itong iyong lingkod, sana ay lingapin,
Ingatan mo ako't iyong pagpalain;
Iligtas mo ako at iyong sagipin,
Tanda ng pag-ibig na di nagmamaliw!
Iyong kinalinga at iningatan mo
Laban sa adhika ng masamang tao;
Dinala sa ligtas na dakong kublihan,
Upang di hamakin ng mga kaaway.
Awit 31:2-3.3-4.5-6.15-16.20
Sagipin mo ako, ako ay pakinggan!
Tanging kublihan ko, ako ay ingatan;
Tagapagtanggol ko't aking kaligtasan.
Tagapagtanggol ko at aking kanlungan,
Ayon sa sabi mo, ako'y patnubayan.
Tagapagtanggol ko at aking kanlungan,
Ayon sa sabi mo, ako'y patnubayan.
O aking patnubay, ako ay iligtas,
Sa patibong nila at umang na bitag;
Kupkupin mo ako at iyong ingatan,
Ang pagliligtas mo sa aki'y pakamtan;
Ikaw ang aking Diyos, na tapat at tunay.
Ikaw'y namumuhi sa nananambahan
Sa walang halagang mga diyus-diyusan;
Ngunit ako, Yahweh, sa iyo'y nananawagan.
Sa iyong kalinga, umaasa ako,
Laban sa kaaway ay ipagtatanggol mo;
At sa umuusig na sinumang tao.
Itong iyong lingkod, sana ay lingapin,
Ingatan mo ako't iyong pagpalain;
Iligtas mo ako at iyong sagipin,
Tanda ng pag-ibig na di nagmamaliw!
Iyong kinalinga at iningatan mo
Laban sa adhika ng masamang tao;
Dinala sa ligtas na dakong kublihan,
Upang di hamakin ng mga kaaway.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento