Septiembre 10,2014
1 Corinto 7:25-31
Tungkol naman sa mga walang asawa, wala akong maibibigay na utos mula sa Panginoon. Ngunit bilang isang taong mapagkakatiwalaan dahil sa habag sa akin ng Panginoon, magbibigay ako ng aking kuru-kuro.
Dahil sa matinding kahirapan sa kasalukuyan, inaakala kong mabuti pa sa isang tao ang manatili sa kanyang kalagayan. Ikaw ba'y may asawa na? Huwag kang makipaghiwalay. Wala ka pa bang asawa? Huwag mong hangaring magkaasawa. Kung ikaw ay mag-asawa, hindi ka nagkakasala, at kung ang isang dalaga'y mag-asawa, hindi siya nagkakasala. Ngunit magdaranas sila ng mga kahirapan sa buhay na ito, at iyan ang ibig kong maiwasan ninyo.
Ito ang ibig kong sabihin, mga kapatid: malapit na ang takdang panahon, kaya't mula ngayon, ang may-asawa ay mamuhay na parang walang asawa; ang mga nananangis, na parang di nananangis; ang mga nagagalak, na parang di nagagalak; ang mga namimili, na parang walang ari-arian, at ang mga nagtatamasa sa sanlibutang ito, na parang di nila ito alintana. Sapagkat ang lahat ng bagay sa daigdig na ito'y mapaparam.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento