Septiembre 11,2014
Awit 139:1-3.13-14.23-24
Awit 139:1-3.13-14.23-24
Ako'y iyong siniyasat, batid mo ang aking buhay,
Ang lahat kong lihim, Yahweh, ay tiyak mong nalalaman.
Ang lahat ng gawain ko, sa iyo ay hindi lingid,
Kahit ikaw ay malayo, batid mo ang aking isip.
Ako'y iyong nakikita, gumagawa o hindi man,
Ang lahat ng gawain ko'y pawang iyong nalalaman.
Ang anumang aking sangkap, ikaw O Diyos ang lumikha,
Sa tiyan ng aking ina'y hinugis mo akong bata.
Pinupuri kita, O Diyos, marapat kang katakutan,
Ang lahat ng gawain mo ay kahanga-hangang tunay;
Sa loob ng aking puso, lahat ito'y nakikintal.
O Diyos, ako'y siyasatin, alamin ang aking isip,
Subukin mo ako ngayon, kung ano ang aking nais;
Kung ako ay hindi tapat, ito'y iyong nababatid,
Sa buhay na walang hanggan, samahan mo at ihatid.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento