Septiembre 9,2014
Awit 149:1-2.3-4.5-6.9
Purihin si Yahweh!
O si Yahweh ay purihin, awitan ng bagong awit,
Purihin sa pagtitipon ng tapat sa pananalig.
Magalak ka, O Israel, dahilan sa Manlilikha;
Dahilan sa iyong hari, ikaw Sion ay matuwa.
Purihin sa pagsasayaw, purihin ang kanyang ngalan;
Alpa't tambol ay tugtugin, at siya ay papurihan.
Si Yahweh ay nagagalak sa kanyang mga hirang,
Sa nangagpapakumbaba'y tagumpay ang ibibigay.
Sa tagumpay na natamo, magalak ang mga hirang,
Sa kanilang pagpipista ay magsaya't mag-awitan.
Sa pagpuri sa Panginoon, ay bayaang magsigawan
Na taglay ang matatalim na sundang sa mga kamay,
Sang-ayon sa utos ng Diyos, mga bansa'y magdurusa;
Ang tatanggap ng tagumpay, ay ang mga hirang niya.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento