Miyerkules, Agosto 27, 2014

Ikalawang Pagbasa


Agosto 24,2014
Roma 11:33-36

Napakasagana ng kayamanan ng Diyos! Di matarok ang kayamanan, karunungan at kaalaman ng Diyos! Hindi malirip ang kanyang mga panukala at pamamaraan! Gaya ng nasusulat:

“Sapagkat sino ang nakaalam sa
pag-iisip ng Panginoon,
O sino ang naging tagapayo niya?”
“Sino ang nakapagkaloob ng
anuman sa Diyos
Para siya nama'y gantimpalaan?”
Sapagkat mula sa kanya at sa pamamagitan niya at sa kanya ang lahat ng bagay. Sa kanya ang karangalan magpakailanman! Amen.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento