Agosto 24,2014
Awit 138:1-2.2-3.6.8
Ako, Yahweh, buong pusong aawit ng pasalamat,
Sa harap ng ibang diyos, pupurihin kitang ganap.
Sa harap ng iyong templo ay yuyuko at gagalang,
Pupurihin kita roon, pupurihin ang 'yong ngalan;
Dahilan sa pag-ibig mo at sa iyong katapatan,
Ikaw'y tunay na dakila, pati iyong kautusan.
Sa harap ng iyong templo ay yuyuko at gagalang,
Pupurihin kita roon, pupurihin ang 'yong ngalan;
Dahilan sa pag-ibig mo at sa iyong katapatan,
Ikaw'y tunay na dakila, pati iyong kautusan.
Noong ako ay tumawag, tinanggap ko ang tugon mo,
Sa lakas mong itinulong ay lumakas agad ako.
Kung ang Diyos mang si Yahweh ay dakila at mataas,
Hindi niya nililimot ang aba at mahihirap;
Kumubli ma'y kita niya yaong hambog at pasikat.
Yaong mga pangako mo ay handa mong tupding lahat,
Ang dahilan nito, Yahweh, pag-ibig mo'y di kukupas,
At ang mga sinimulang gawain mo'y magaganap.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento