Agosto 24,2014
Isaias 22:15.19-23
Ganito ang sabi ni Yahweh,
ang Makapangyarihan sa lahat:
“Puntahan mo si Sabna,
Ang katiwala ng palasyo.
Sabihin mo sa kanya:
Aalisin kita sa iyong katungkulan,
At palalayasin sa iyong kinalalagyan.
Tatawagin ko sa araw na iyon ang aking lingkod,
Si Eliaquim na anak ni Helcias.
Siya ang pagsusuutin ko ng iyong buong kasuutan,
Ibibigay ko sa kanya ang iyong kapangyarihan,
Siya ang magiging pinakaama ng Jerusalem at ng Juda.
Ibibigay ko sa kanya ang susi ng bahay ni David;
Ang kanyang buksa'y walang makapagsasara
At walang makapagbubukas ng ipininid niya.
Itatayo ko siyang parang haligi ng tolda
Itatayo ko nang matibay sa isang matatag na lugar
At siya'y magiging marangal na luklukan
Para sa sambahayan ng kanyang ama.”

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento