Miyerkules, Agosto 27, 2014

Unang Pagbasa

Agosto 27,2014
2 Tesalonica 3:6-10.16-18

Mga kapatid, iniuutos namin sa inyo sa pangalan ng Panginoong Jesu-Cristo, na layuan ang mga tamad at ayaw mamuhay ayon sa mga tagubilin namin sa inyo. Alam naman ninyo na dapat ninyong tularan ang aming ginawa. Hindi kami nahiyang magtrabaho nang kami'y nariyan pa. Hindi kami tumanggap ng anumang bagay kaninuman nang hindi namin binabayaran.Nagpagal kami araw-gabi upang hindi maging pasanin ng sinuman sa inyo. Ginawa namin ito hindi dahil sa wala kaming karapatang maghintay ng inyong tulong kundi upang kayo'y bigyan ng halimbawang dapat sundan. Nang kasama pa ninyo kami, ito ang tagubiling ibinigay namin sa inyo: “Huwag ninyong pakanin ang sinumang ayaw gumawa.”

Ang Panginoon na bukal ng kapayapaan ang siya nawang magkaloob sa inyo ng kapayapaan sa lahat ng pagkakataon. Nawa'y sumainyong lahat ang Panginoon.

Akong si Pablo ang sumulat ng pagbating ito: Binabati ko kayo. Ito ang aking lagda sa lahat ng sulat ko. Ganito ako sumulat.

Nawa'y sumainyong lahat ang pagpapala ng ating Panginoong Jesu-Cristo.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento