Agosto 26,2014
2 Tesalonica 2:1-3.14-17
Tungkol naman sa pagparito ng ating Panginoong Jesu-Cristo at sa pagtitipon niya sa atin, ipinamamanhik namin sa inyo, mga kapatid, na huwag kayong magugulat agad o mababahala sa balitang dumating na ang Araw ng Panginoon. Huwag kayong maniniwala kahit sabihin nilang ito'y hula o pahayag, o kaya'y sulat na galing sa amin. Sa anumang paraan, huwag kayong padadaya kaninuman. Ang Araw ng Panginoon ay hindi darating hangga't di nagaganap ang huling paghihimagsik laban sa Diyos at ang paglitaw ng Suwail, ang itinalaga sa walang katapusang kaparusahan.
Tinawag kayo ng Diyos sa pamamagitan ng Mabuting Balitang ipinahayag namin sa inyo upang makasama sa kaluwalhatian ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Kaya nga, mga kapatid, manatili kayong matatag sa mga katotohanang itinuro namin sa inyo, maging sa salita o sa sulat.
Aliwin nawa kayo ng ating Panginoong Jesu-Cristo at ng ating Diyos at Ama na umibig sa atin at sa kanyang habag ay nagbigay sa atin ng walang pagbabagong lakas ng loob at matibay na pag-asa. Bigyan nawa kayo ng matatag na kalooban upang inyong maipahayag at maisagawa ang lahat ng mabuti.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento